MANILA, Philippines — Aabot sa 86 ang kabuuang naaresto sa isang araw na ika-32 warrant day ng Southern Police District (SPD) laban sa wanted persons nitong Setyembre 13, 2024.
Kabilang sa mga nadakip ang 19 na Top Most Wanted, 30 Most Wanted, at 37 na Other Most Wanted na indibidwal.
Nanguna ang Muntinlupa City Police Station (CPS) na nagsagawa ng 17 operasyon at nakahuli ng 17; ang Pasay City Police Station, na may 16 na operasyon at 16 na naaresto; at ang Las Piñas City Police Station, na nakadakip ng 15 katao sa 15 operasyon.
Kabilang sa mga kapansin-pansing inaresto si alyas “Philip”, 33, Top 8 Station Level Most Wanted Person saf Carnapping na nagtago ng 3 buwan at 7 araw na may inirekomendang piyansa na ?300,000.00.
Isang 53-anyos na secretary ng kumpanya na si alyas “Leonora”, Most Wanted Person (MWP) ng Taguig na nagtago ng halos 3 taon sa 4 counts ng Bouncing Check Law (BP 22) na may inirekomendang piyansa na ? 96,000.00.
Isang 46-anyos na si alyas “Joseph” na may 3 counts ng Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na P360,000.00 sa kabuuan.
Ang Top 5 Most Wanted Person ng General Santos City na si alyas “Aljim”, na walang inirekoemndang piyansa sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Isa pang Top Most Wanted sa kasong rape sa Muntinlupa si alyas “Boy-boy” CPS, sa Rape by Carnal Knowledge ang kabilang din sa nadakip.