Viral sa social media Guro kinuyog, binugbog ng mga estudyante!
MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa ginawang pagkuyog at pambubugbog ng mga estudyante sa kanilang guro sa Ilocos Norte nitong Biyernes na nag-viral ang video sa social media.
Bunsod nito, agarang binatikos ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ang insidente ng pananakit at pambubugbog ng ilang estudyante sa isang high school teacher sa nasabing lalawigan.
Ayon kay TDC Chairman Benjo Basas, nakakalungkot na malaman at makita ang pananakit ng ilang estudyante sa kanilang guro na naka-uniporme at hindi kinayang panoorin ang video.
Ani Basas, bagama’t hindi pa malinaw ang buong detalye at sitwasyon kaugnay ng insidente, hindi dapat isantabi ang posibilidad na may pananagutan ang mga estudyanteng sangkot, anuman ang kanilang dahilan sa ginawang aksyon.
Aniya, malinaw sa video na sinadya ng mga estudyante na saktan ang guro dahil marami ang nakikiusap at sumisigaw na tigilan na ang pambubugbog. Marami nang kaso ng kawalang galang at maging pisikal na pag-atake sa mga guro mula nang ipatupad ang mga patakaran gaya ng DepEd CPP at Anti-Child Abuse Law (RA 7610).
- Latest