^

Metro

BIR, CIDG nakasamsam ng halos P200 milyong puslit na yosi

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
BIR, CIDG nakasamsam ng halos P200 milyong puslit na yosi
Bunga nito, umaabot sa Php 838 millyong bayad sa buwis ang hinahabol ng BIR sa may-ari ng naturang mga kontrabando.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui ang pagkasamsam sa may sa halos P200 milyong pakete ng mga puslit na mga sigarilyo sa isinagawang surprise night operation  sa  loob ng warehouse sa Quezon City at Caloocan City.

Bunga nito, umaabot sa Php 838 millyong bayad sa buwis ang hinahabol ng BIR sa may-ari ng naturang mga kontrabando.

“This BIR raid of 2 illicit cigarette warehouses in Quezon and Caloocan City shows our commitment to fight illicit trade. The BIR will raid your warehouses even after midnight. The BIR will not rest until illicit trade is exterminated,” sabi ni Commissioner Lumagui.

Kasama ng BIR  sa naturang raid ang mga ope­ratiba ng  Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG).

Nanawagan si Lumagui sa publiko na makipag- tulungan sa BIR at isumbong ang mga nalalamang mga tiwaling negosyante na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.

Ayon naman sa CIDG ito ay kasunod ng direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen.­Rommel Marbil na paigtingin ang kampanya laban sa mga puslit na  sigarilyo na nakaaapekto sa  ekonomiya ng  bansa.

Bitbit ng mga tauhan ng BIR at CIDG ang  BIR Mission Orders, unang sinalakay ang isang bodega sa  Balingasa Street, Balintawak, Quezon City, na sinuportahan din ng mga tropa ng Quezon City Police District.na nagresulta  sa pagkakaaresto sa isang Chinese at dalawang Filipino.

Kasunod namang sinalakay  bandang alas-11 ng gabi kamakalawa ang isa pang warehouse sa F. Roxas Street, 6th Avenue, Grace Park West, Barangay 54, Caloocan City at nasa 170 kahon ng mga smuggled na sigarilyo   ay pawang mga walang BIR tax stamps.

Ang mga nakumpiskang mga kontrabando ay nasa pag-iingat na ng BIR main sa main office nito, samantalang ang nga naaresto ay nasa kustodiya na ng CIDG-AFCCU.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code partikular na ang Tax Evasion ang mga nahuling suspek.

BIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with