^

Metro

Bentahan ng shabu sa tiangge buking, ‘tulak’ timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bentahan ng shabu sa tiangge buking, ‘tulak’ timbog
Kinilala ni QCPD Director, PBGen. Redrico A Maranan, ang suspek na si Muhadjirin Laguia, 23, residente ng Damayan Block 37, Taytay Rizal.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang ‘tulak’ nang mabuking ng mga operatiba ng Que­zon City Police District (QCPD) ang ginagawa nitong pagbebenta ng shabu sa isang tiangge sa Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni QCPD Director, PBGen. Redrico A Maranan, ang suspek na si Muhadjirin Laguia, 23, residente ng Damayan Block 37, Taytay Rizal.

Si Laguia ay nadakip ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni PMaj Wennie Ann Cale sa ikinasang buy-bust operation sa kahabaan ng Block 2, Pook Arboretum, Brgy. UP Campus, Quezon City, dakong alas-4:20 nitong Huwebes.

Natunton ang suspek matapos magbigay ng impormasyon ang isang confidential informant tungkol sa iligal nitong aktibidad.

Isang pulis na nagsilbing poseur buyer at bumili ng shabu sa halagang P1,000.00.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na ang pangunahing operasyon ng suspek ay sa Taytay Tiangge, Antipolo, at Quezon City, kung saan ang kanyang mga parokyano ay kadalasang mga construction workers at mga tambay.

Nakuha mula sa suspek ang 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000.00, itim na black pouch, isang cellphone at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with