Resolusyon sa pagbabawal maligo sa baha, aprub ng MMDA
MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Metro mayors na ipasa ang resolusyon na humihimok sa mga local na pamahalaan sa kanilang nasasakupan na magsagawa ng information at education drive campaign para imulat ang kamalayan ng mamamayan sa panganib na dala ng leptospirosis na nakukuha sa tubig baha, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na sa pamamagitan ng MMDA Regulation No. 24-003,” children and adults are prohibited from swimming, playing, gallivanting and/ or unnecessary wading or doing any other leisurely activities in floodwaters.”
Sinabi ni Artes na ang bawat LGU ay maaaring magpasa ng kanilang sariling mga ordinansa at parusa para sa mga lalabag sa regulasyong ito.
Ang paggawa ng mga ordinansa at parusa ay ipinauubaya sa mga LGU dahil mas mabisa nilang harapin ang sitwasyon sa kanilang sariling mga komunidad, dahil sa kanilang pamilyar sa mga kakaibang kalagayan sa kanilang mga lugar.
Karaniwang tumataas ang kaso ng leptospirosis tuwing tag-ulan at lalo na kapag may mga bagyo at pagkakaroon ng baha sa maraming bahagi ng National Capital Region (NCR).
Sinabi ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora na ang kanilang lungsod ay nagpasa na ng ordinansa na nagbabawal at nagpaparusa sa mga indibidwal na gumawa ng mga aktibidad sa paglilibang tulad ng paglangoy at paglalaro sa tubig baha,
Tiniyak ni Artes na maaasahan ng DOH ang buong suporta mula sa mga mayor ng Metro Manila sa pagpapataas ng kamalayan sa mga panganib, at mga hakbang sa pag-iwas para sa leptospirosis.
- Latest