Kailangan na magsagawa kada buwan ng stress management seminar ang mga security agency.
Ito ang inilabas na kautusan ng Philippine National Police – Supervisory Office on Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) sa lahat ng private security service providers para na rin sa kapakanan ng mga guwardiya at sineserbisyuhan ng mga ito.
Batay sa Memorandum Advisory No. 058-2024 na pirmado ni PNP-SOSIA Acting Chief Col. Marlou Roy Alzate, prayoridad nila ang mental health ng mga guwardiya na tulad ng isang pulis sa pagbibigay ng seguridad sa pagtupad ng tungkulin.
Ayon sa PNP-SOSIA layon din nilang maisulong ang kapakanan ng mga sekyu ng sapat na sahod at iba pang benepisyo.
Nakapaloob pa sa memorandum na ang mga operator ay kinakailangang magsumite ng kanilang compliance report.
Anila, ang mga ito ay nasa batas at legal na ipatutupad.