Belmonte, nanguna sa top 10 performing mayors sa NCR

Quezon City Mayor Joy Belmonte on March 21, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nanguna si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Top 10 performing mayors sa National Ca­pital Region (NCR).

Ito ay batay sa resulta ng idinaos na prestihiyosong Social Pulse Survey: Pulso ng Bayan para sa Agosto 2024, na nagpapakita sa top performing mayors sa metro.

Nabatid na si Mayor Belmonte ang nag-Top 1 sa survey matapos na makakuha ng 91.1% approval rating.

Sumunod naman sina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, na may 90.6% naman; Pasig City Mayor Vico Sotto na may 90.1%; Makati City Ma­yor Abby Binay, na may 89.3% na rating at nasa pang limang puwesto si Manila Mayor Honey Lacuna na may 88.7% na performance rating.

Samantala, maganda rin ang naging performance at pasok sa Top 10, sina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na may 87.3%; Parañaque City Mayor Eric Olivares na may 86.8%, Navotas City Mayor John Rey Tiangco na may 85.4%; Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na may 83.2% at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na may 82.8%.

Nabatid na ang naturang survey ay base sa feedback mula sa mga adult respondents at mayroong margin of error na ±3% at confidence level na 95%.

Nag-aalok ang survey ng reliable insight sa public approval sa mga lider ng rehiyon.

Layunin nitong sukatin ang public sentiment hinggil sa performance ng local leaders.

Show comments