Mga tanggapan ng LTO sa Metro Manila, bukas na tuwing araw ng sabado

Ito ay makaraang ianunsyo ni LTO NCR director Roque “Rox” Verzosa III na tuwing sabado ay bukas na ang lahat ng LTO District/Extension Offices at  Licensing Centers sa Metro Manila upang higit na mapabuti ang serbisyo ng ahensiya sa publiko at maserbisyuhan ang tumataas na bilang ng mga motorista.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Maaari nang magtu­ngo ang mga motorista sa alinmang opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila tuwing araw ng sabado kung walang panahon magtraksiyon sa ahensiya nang weekdays.

Ito ay makaraang ianunsyo ni LTO NCR director Roque “Rox” Verzosa III na tuwing sabado ay bukas na ang lahat ng LTO District/Extension Offices at  Licensing Centers sa Metro Manila upang higit na mapabuti ang serbisyo ng ahensiya sa publiko at maserbisyuhan ang tumataas na bilang ng mga motorista.

“We expect that our Saturday operations will greatly assist those who wish to transact business with our offices on weekends. Tuluy-tuloy po ang aming operasyon kahit sa araw ng Sabado ng sa ganoon ay mas maraming tao po ang aming mapaglingkuran.” Sabi ni Verzosa.

Hinimok din nito ang publiko na bisitahin ang LTO NCR official website para sa iba pang mga updates at announcements sa www.ltoncr.com.

Show comments