MANILA, Philippines — Matapos ang halos pitong taong pagtatago sa ibang bansa, sa wakas ay umuwi na si dating Iloilo Mayor Jed Mabilog sakay ng eroplanong Cathay Pacific, kahapon.
Sinundo si dating Mayor Mabilog ng mga operatiba ng NBI sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) Terminal 3, paglabas niya sa eroplano ng Cathay Pacific Airlines flight CX- 901 galing Hong Kong bandang alas-onse ng umaga.
Ang mga dokumento ng paglalakbay na nasa kanyang pag-iingat ay nagmula sa New York, Estados Unidos, at sertipikado ng ating konsulado.
Kasama siya sa mga narcolist ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017, at mula noon siya ay nagtago hanggang matapos ang termino ni Duterte.
Ngayon, siya ay nakatakdang magbigay ng testimonya sa congressional quad committee tungkol sa kanyang nalalaman sa isyu ng droga.