^

Metro

Ex-Iloilo mayor Mabilog na nasa narcolist ni Duterte, bumalik na ng bansa

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang halos pitong taong pagtatago sa ibang bansa, sa wakas ay umuwi na si dating Iloilo Mayor Jed Mabilog sakay ng eroplanong Cathay Pacific, kahapon.

Sinundo si dating Mayor Mabilog ng mga operatiba ng NBI sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) Terminal 3, paglabas niya sa eroplano ng Cathay Pacific Airlines flight  CX- 901 galing Hong Kong  bandang alas-onse ng umaga.

Ang mga dokumento ng paglalakbay na nasa kanyang pag-iingat ay nagmula sa New York, Estados Unidos, at sertipikado ng ating konsulado.

Kasama siya sa mga narcolist ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong 2017, at mula noon siya ay nagtago hanggang matapos ang termino ni Duterte.

Ngayon, siya ay nakatakdang magbigay ng testimonya sa congressional quad committee tungkol sa kanyang nalalaman sa isyu ng droga.

vuukle comment

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with