MANILA, Philippines — Natapos na ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang pagpapalit ng mga lumang tubo ng tubig sa bahagi ng Tondo at Sta. Cruz Maynila na may kabuuang halagang umaabot sa P380-milyong proyekto.
Ayon sa Maynilad ang proyekto ay magbibigay daan na maisaayos ang water pressure at magkaroon ng sapat na suplay ng tubig para sa tumataas na demand sa suplay.
Ang naturang proyekto ay kapapalooban ng pag-upgrade sa pipe system kasama na ang paglalatag ng 1.7 kilometrong primary, secondary at tertiary pipelines sa 21 barangay sa Maynila para matanggal na ang mga may dekadang lumang tubo ng tubig.
Dulot ng proyekto, nakarekober ang Maynilad ng 4 million liters per day (MLD) ng treated water na dati’y nasasayang lamang dahil sa pipe leaks at illegal connections.
“This recently completed pipe replacement project is part of our ongoing effort to enhance service reliability. By replacing undersized pipes, we are also future-proofing our distribution system to handle higher consumption,” sabi ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado.