MANILA, Philippines — Makaraan ang isang linggong pagtaas sa presyo ng petrolyo, bababa naman simula ngayong Martes, ang presyo ng mga produktong petrolyo nang higit sa P1 kada litro nationwide.
Sa abiso ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), SeaOil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp., aabutin sa P1.55 kada litro ang gagawing pagbaba sa presyo ng kanilang gasolina, P1.30 per liter sa diesel at P1.40 kada litro ang baba ng presyo ng kerosene.
Ganito rin ang rollback na ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene na wala sila ng ganitong produkto.
Ayon sa mga nabanggit na oil companies, alas-6 ng umaga ngayong Martes ang simula nang kanilang rollback sa presyo ng petrolyo, habang ang Cleanfuel ay alas-12:01 ng madaling araw magbababa ng presyo ng petrolyo.
Wala namang abiso ang ilan pang kompanya ng langis hinggil sa oil price rollback.