^

Metro

Social security protection sa barangay officials, tiniyak ng SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Social security protection sa barangay officials, tiniyak ng SSS
Binigyang diin ni Macasaet na kailangang kumuha na ng mga nabanggit ng SS number at magsimulang pagbayad ng kanilang monthly contributions upang awtomatikong magkatoon ng social security coverage mula sa SSS.
SSS FB Page

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na maging miyembro ng SSS ang mga barangay official sa buong bansa upang makatanggap ng lifetime monthly pension oras na magretiro ang mga ito sa serbisyo.

“Many of our barangay officials and workers serve their constituents for 10 or 20 years. However, when they retire from public service, they do not get any separation pay or monthly pension. Now, through the SSS membership, we are offering you an opportunity to get a monthly pension when you retire from being a barangay official,”sabi ni Macasaet .

Binigyang diin ni Macasaet na kailangang kumuha na ng mga nabanggit ng SS number at magsimulang pagbayad ng kanilang monthly contributions upang awtomatikong magkatoon ng social security coverage mula sa SSS.

Anya, oras na makapagbayad ng kahit 120 monthly SSS contributions ay makakatanggap na ang mga ito ng lifetime monthly pension oras na sila ay magretiro.

‘Aside from retirement benefits, you will be entitled to sickness, maternity, disability, unemployment, funeral, and death benefits.” paliwanag pa ni Macasaet.

Dapat din anyang samantalahin ng mga barangay officials ang ibat ibang SSS loan programs tulad ng salary at  calamity gayundin ng dagdag na coverage mula sa Employees’ Compensation (EC) Program para sa work-related sickness o injury na nagresulta ng pagkamatay o anumang kapansanan.

EMPLOYEES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with