Higit P7 milyong ilegal na droga nasabat sa 5 abandonadong parcel sa NAIA
MANILA, Philippines — Aabot sa higit P7 milyong halaga ng ilegal na droga mula aa limang abandonadong parcel ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA sa Central Mail exchange center sa Pasay City.
Una rito ang mga naturang parcel ay padala ng ibat ibang individual mula Thailand, Canada, California na naka consignee naman sa limang indibidiwal na nakatira sa Tondo, Pampanga, Mandaue city, Taytay Rizal, at Bulacan.
Natuklasan ng mga tauhan ng customs at NAIA-PDEA ang laman ng parcel nang idaan ang mga ito sa x-ray machines at physical examination ng customs examiners kung saan aabot 4,877 grams na kush o high grade marijuana, na ang halaga ay sabot sa P6,827,800.00
Habang pitong disposable vape naman na may sangkap na marijuana oil na nagkakahalaga ng P3,780.00 ang nasabat din.
Ang mga naturang ilegal na droga ay naiturn-over na sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.
- Latest