MANILA, Philippines — Makaraan ang isang linggong pagtaas sa presyo ng petrolyo, magkakaroon naman ng pagbaba sa presyo nito sa susunod na linggo.
Batay sa abiso ng mga oil companies, aabutin ng P1 hanggang P1.30 kada litro ang ibabang presyo sa gasolina, P1 hangang P1.30 sa kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel at P1.20 hanggang P1.35 per liter ang rollback sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang epekto ng nagdaang apat na araw na galaw sa presyuhan ng produktong petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price rollback.
Tuwing martes, ipinatutupad ang oil price adjustment.