70 Chinese sa POGO, ipinadeport

MANILA, Philippines — Higit 70 Chinese National mula sa POGO hub ang diniport ng Presidential Anti Orga­nized Crime Commission (PAOCC) pabalik sa China, kahapon ng umaga.

Ang mga Chinese ay sakay ng PAL flight PR-336 patungong Shanghai.

Pawang nagmula ang mga ito sa sinalakay na   POGO hub ng PAOCC at PNP sa Pasay kung saan  napag-alaman na may illegal na aktibidad sa lugar.

Ayon Kay PAOCC chief Usec Gilbert Cruz na posibleng mabago pa ang naturang bilang dahil iba dito ay may mga nakabinbing pang kasong kinakaharap depende pa anya sa dokumentong pinoproseso ng immigration.

Sa ngayon tuluy-tuloy na pinoproseso ng immigration ang mga dokumento ng mga da­yuhan bago sila ipasok sa departure area para sa kanilang deportation.

Show comments