^

Metro

Nakumpiskang mga puslit na gulay sa Navotas, kontaminado – BPI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Agriculture- Bureau of Plant Industry (DA-BPI) na may pesticides, microbiological contaminants  at heavy metals, gayundin ng mga microbiological contaminants ang mga puslit na gulay na nakumpiska mula sa isang warehouse sa  Navotas City kamakailan.

Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. mula sa ulat ni Bureau of Plant Industry Director Gerald Glenn Panganiban  na batay sa isinagawang pagsusuri sa mga sibuyas, kamatis at carrots mula sa cold storage facility ay nadiskubreng may organophosphates, organochlorines, at  pyrethroids, mga pesticides na nakakaapekto sa kalusugan ng mga tao  at kinakitaan din ng cadmium.

Nakitaan din ito  lead na mga heavy metals.

Napatunayan din sa pagsusuri ng BPI na ang naturang mga gulay ay may microbiological contaminants tulad ng  E. coli, Listeria monocytogenes at Salmonella spp.

“The food safety analysis confirms that the allegedly smuggled agricultural crops contain pesticide residues, heavy metals, and microbiological contaminants that do not comply with our food safety regulations,”sabi ni  Panganiban.

Ang naturang mga puslit na gulay na nakumpiska ng mga awtoridad na may higit 300 tonelada ng sibuyas, carrots, kamatis at iba pang food products ay inangkat mula sa ibang bansa pero walang kaukulang sanitary at phytosanitary import clearances mula sa BPI.

Agad namang na-disposed ang mga kontaminadong gulay upang hindi na makarating sa mga, merkado at iba pang pamilihan.

JR.

FRANCISCO P. TIU LAUREL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with