MANILA, Philippines — Tatlo katao ang inaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong mga gamot sa isang entrapment operation sa Malate Maynila.
Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina Zhang Lei, Rowena Agaudaña Alfanta at Rhila Bencalo Barrios na dinakip sa isang condominium sa Malate kamakailan .
SInasabing ang naturang establisimiento ay nagbebenta ng unregistered health products at nag-o-operate ng drug outlet nang walang lisensiya mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Kinumpiska ng mga operatiba ang ibat-ibang health products na may label na mga foreign characters na kinumpirma ng Food and Drugs Administration na hindi hindi rehistrado.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009 at paglabag sa Philippine Pharmacy Act sa Manila prosecutor’s office.