^

Metro

3 timbog ng NBI sa pagbebenta ng ‘di-rehistradong gamot

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang inaresto ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI)   dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong mga gamot  sa isang entrapment operation sa Malate Maynila.

Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina  Zhang Lei, Rowena Agaudaña Alfanta at Rhila Bencalo Barrios na dinakip sa isang condominium sa Malate kamakailan .

SInasabing ang naturang establisimiento ay nagbebenta ng unregistered health pro­ducts at nag-o-operate ng  drug outlet nang walang lisensiya mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Kinumpiska ng mga operatiba ang ibat-ibang health products na may label na mga  foreign characters na kinumpirma ng Food and Drugs Administration na hindi hindi rehistrado.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009 at paglabag sa  Philippine Pharmacy Act sa  Manila prosecutor’s office.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with