Obrero, hulog at nalunod sa manhole

Quezon City is the most populous area in the country.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Isang construction worker ang nasawi makaraang mahulog at malunod sa loob ng manhole kahapon ng madaling araw sa Brgy. Bungad, Quezon City.

Dead-on-arrival sa Que­zon City General Hospital ang biktimang si Rolando Mejerito Eran, 21, residente ng Mount Carmel, Mountains Heights Subdivision Barangay 183 Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente dakong ala- 1:30 ng madaling araw sa may Bulacan St. Brgy. Bungad, Quezon City.

Nabatid na nililinis ni Roger Eran, ama ng biktima ang manhole nang biglang mahulog sa kasagsagan ng ulan.

Sinagip ng biktima ang ama subalit siya ang na-trap at nalunod. Naiahon naman ang biktima at dinala sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Show comments