Pinsala ni Enteng sa Agriculture umabot na sa P350 milyon – DA

Workers from the Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) and the Department of Public Works and Highways (DPWH) cut down fallen trees and branches along Quezon Avenue in Quezon City on September 2, 2024
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Umabot na sa P350-milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region.

Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasaka at production loss na 14,814MT.

Mula sa mga sakahan ng palay na apektado, 63% ang partially damaged habang 36% o katumbas ng 3,000 ektarya ang labis na napinsala.

Kaugnay nito, inihahanda naman ng DA ang assistance nito sa mga apektadong magsasaka kabilang ang higit P200-M halaga ng binhi, biocontrol measures at makinarya.

Gayundin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program from the Agricultural Credit Policy.

Tiniyak naman ng DA ang patuloy na assessment sa pinsala ng bagyo sa iba pang rehiyon sa bansa.

Show comments