Depektibong LPG, sumabog 8 katao, sugatan

MANILA, Philippines — Walo katao na kinabibilangan ng dalawang menor de edad, ang sugatan nang sumabog ang isang depektibong tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa loob ng isang tahanan sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Jesus Torma, 50; Marivie Gandol, 48; Verlie Mae Salim, 35; at Marilyn Sabas, 43, na pawang nagtamo ng second degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan; Johnny Factor, 52; na nagtamo ng second to third degree burns; Jamaica Evangelista, 19; Angeline Alicanto, 16; at Chloe Ann Maso, 3, na pawang nagtamo ng minor burns.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-8:06 ng umaga nang maganap ang insidente sa Quezon Blvd. sa Sta. Cruz, na pagmamay-ari ng isang Johnny Factor. Gawa lamang sa light materials ang natu­rang tahanan.

Bigla na lamang umanong sumabog ang isang tangke ng LPG na hinihinalang depektibo, na nag­resulta sa pagkasugat ng mga biktima at pagsiklab ng apoy.

Inabot lamang naman ng siyam na minuto bago tuluyang naapula ang sunog dakong alas-8:15 ng umaga.

Show comments