^

Metro

Lalaki, sugatan sa sunog sa Tondo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang sugatan sa sunog na sumiklab sa Tondo, Manila kahapon ng madaling araw dahil umano sa isang nag-overheat na electric fan.

Ang biktimang si Alvin Regalado, 42, ay nagtamo ng minor laceration sa kaliwang punong braso at 2nd degree burn sa kaliwang nipple at nostril.

Batay sa ulat ng Manila Bureau Fire of Protection (BFP), dakong alas-3:23 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa tatlong palapag na tahanan ni Regalado na matatagpuan sa 400 E Capulong St., sa Tondo.

Umabot lamang naman sa unang alarma ang sunog na kaagad na naapula dakong alas-3:58 ng madaling araw.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na isang nag-overheat na electric fan ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot lamang sa P22,500 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa sunog.

vuukle comment

MANILA

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with