3 Chinese, 4 Pinoy timbog sa pagdukot sa 3 dayuhan
MANILA, Philippines — Inaresto ang tatlong Chinese national at apat na Pinoy na tinukoy ng testigong nagnakaw at dumukot sa tatlong babae sa pinasok nilang bahay sa Multinational Village, sa Barangay Moonwalk, Parañaque City, kahapon ng madaling araw.
Nasa kustodiya ng Parañaque City -Don Bosco Police Sub-Station ang mga suspek na kinilala sa mga alyas na “Liu”, 39; “Weichun”, 35; “Donbo”, 34, pawang Chinese nationals.
Kabilang din sa inaresto ang mga pasaway na Pinoy na sina alyas “Jon-jon”, 45, driver, alyas “Jerico”, 29, “Brian”, 33; at “Ruel”, 42, driver.
Ang mga biktimang inireport na tinangay ng mga suspek ay ang negosyanteng si alyas “Kelly”, residente ng Multinational Village; alyas “Tong-tong”, at Chinese descent din at isang Vietnamese na si alyas “Xu”, mga kasama sa bahay ni Kelly.
Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa mismong bahay ng negosyante sa loob ng nasabing village.
Sa imbestigasyon, nabigla ang mga biktima sa pagpasok ng mga kalalakihan sa kanilang bahay at agad na pinuntiryang sirain ang nakakabit na CCTV.
Kinuha ng mga suspek ang cellphone ni Kevin at ng kasambahay bago isinakay ang mga babaeng biktima sa isang Toyota Alphard na puti at tumakas.
Inireport sa Don Bosco Police Sub Station ang insidente ng driver na si alyas “Kevin” ang pangyayari.
Sa isinagawang backtracking natunton ang mga suspek na positibong itinuro ni Kevin na responsable sa pagdukot sa mga biktima alas-4:00 ng hapon ng Set. 2 sa Thomas St., Multinational Village.
Patuloy pang iniimbestigahan ang mga suspek at testigo para sa isasampang mga reklamo.
- Latest