Apartment sa Quezon City nasunog, estudyante patay

Inaalam pa ng Que­zon City Fire Department (QCFD) ang pangalan ng biktima na isang  lalaki.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na estudyante ang namatay matapos masunog ang tatlong unit ng apartment sa Quezon City kamaka­lawa ng  umaga.

Inaalam pa ng Que­zon City Fire Department (QCFD) ang pangalan ng biktima na isang  lalaki.

Batay sa report ng QCFD, bandang alas- 9:14 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng No. 166-D Sct. Limbaga ext. Brgy. Sacred Heart Quezon City, na pagmamay-ari ng isang Gregorio Ortega. Hindi na kumalat pa ang apoy na tumupok sa tatlong unit sa 2 storey residential apartment dahil na rin sa ulan.

Sa imbestigasyon, umabot lamang na ­unang alarma ang sunog na tumupok sa mahigit P30,000 mga ari-arian.Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga  awtoridad sa sanhi ng sunog na naapula bandangalas-10:03 ng umaga.

Show comments