MANILA, Philippines — Pinigilang makasakay ng eroplano ang mag-asawang American nationals matapos makuhanan ng vape na naglalaman ng liquid marijuana sa NAIA terminal 4 papunta sa Palawan.
Nakita ng Office for Transportation Security (OTS) personnel ang dalawang manipis na maliliit na vape ng pasahero nang dumaan ang mag-asawa sa final security checkpoint isa sa bitbit nilang bagahe ay may laman na liquid marijuana.
Paliwanag ng babaeng pasahero ginagamit niya ang liquid marijuana bilang gamot sa kanyang sakit.
Papaalis sana ang mag asawa sakay ng Air Swift flight T6-0142 patungong to El Nido para magbakasyon subalit naudlot ito dahil hindi niya akalain na bawal ito sa bansa.
Wala nang magawa ang pasahero kundi ang umiyak na lamang dahil hindi tinanggap ang kanyang paliwanag bagamat legal sa kanilang bansa ang liquid marijuana bilang gamot, subalit mahigpit itong ipinagbabawal ang paggamit nito sa Pilipinas.