‘Yes’ wagi sa plebisito sa Caloocan
MANILA, Philippines — Umani ng maraming boto mula sa mga botante sa Caloocan City ang paghahati ng Barangay Bagong Silang sa anim na barangay.
Nabatid na mayroong 22, 854 residente ang bumoto ng “oo” habang 2, 584 na boto lamang ang binilang para sa “hindi” sa ginanap na plebisito.
Ito’y batay sa proklamasyon ng Barangay Plebiscite Board of Canvassers na sinaksihan ng Commission on Elections (Comelec) kamakalawa ng gabi.
Idinaos ang plebisito upang pagtibayin ang Republic Act No. 11993, na naging batas noong Abril 3, 2024.
Tatawagin ang mga bagong barangay sa Barangay Bagong Silang bilang Barangay 176-A, Barangay 176-B, Barangay 176-C, Barangay 176-D, Barangay 176-E, at Barangay 176-F.
Bunsod nito, magkakaroon ng bawat barangay hall at barangay captain o chairman ang nasabing mga bagong barangay.