MANILA, Philippines — Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos makuhanan ng liquid marijuana na ibinebenta umano nito sa mga preso sa loob ng Manila City Jail (MCJ).
Ayon kay Jayrex Bustenera, tagapagsalita ng BJMP, ang suspek na si alyas “JO1 John”, nakatalaga sa MCJ ay nahulihan ng 3-syringe ng 20 gramo ng high-grade liquid marijuana o tetrahydrocannabinol (THC) na kaniya umanong ipupuslit sana papasok ng nasabing piitan.
Sa ulat kay MCJ Warden Jail Supt. Lino Soriano, isinailalim sa surveillance si alyas JO1 John BJMP bago nakumpirmang siya ang responsable sa pagpapasok ng illegal na droga sa loob ng nasabing kulungan.
Nang matunugan na muling magdadala ng nasabing iligal na droga, hinarang siya ng mga kabaro at ininspeksyon ang bitbit na pakete. Paliwanag niya, isang person deprived of liberty (PDL) na may sakit na epilepsy ang gagamit ng dala niyang marijuana oil na inilalagay naman ng mga preso sa vape. Nasa ?50,000 umano ang halaga ng ipinupuslit na marijuana oil.