MANILA, Philippines — Nagtapos na kahapon ang ipinatutupad na weekend closure ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) upang bigyang-daan ang mga kinakailangang paghahanda para sa inaasahang pagbubukas ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 sa huling bahagi ng 2024.
Nangangahulugan ito na simula sa susunod na weekend, Setyembre 7 at 8, ay may biyahe nang muli ang mga tren ng LRT-1 at balik na sa normal ang kanilang operasyon.
“LRT-1 Cavite Extension Update: Today, 31 August 2024, and tomorrow, 01 September will be the last WEEKEND CLOSURE of LRT-1 to give way to the necessary preparations for the expected opening of LRT-1 Cavite Extension Phase 1 in Q4 2024,” abiso pa ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa ng operasyon ng LRT-1.
Matatandaang una nang nagpatupad ang LRT-1 ng weekend closure sa lahat ng mga weekends ng buwan ng Agosto upang bigyang-daan ang mga paghahanda para sa opening ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension.
Ayon sa LRMC, ilan sa major accomplishments nila sa temporary closure ng LRT-1 noong Agosto 16 at 17 at Agosto 24 at 25 ay ang pag-check sa automatic train supervision at interlocking system; pag-upload ng bagong signalling baseline para sa LRT-1 Cavite Extension at testing sa buong extended line communication system.