^

Metro

Weekend closure ng LRT-1, tapos na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtapos na kahapon ang ipinatutupad na weekend closure ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) upang bigyang-daan ang mga kinakailangang paghahanda para sa inaasahang pagbubukas ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 sa huling bahagi ng 2024.

Nangangahulugan ito na simula sa susunod na weekend, Setyembre 7 at 8, ay may biyahe nang muli ang mga tren ng LRT-1 at balik na sa normal ang kanilang operasyon.

“LRT-1 Cavite Extension Update: Today, 31 August 2024, and tomorrow, 01 September will be the last WEEKEND CLOSURE of LRT-1 to give way to the necessary preparations for the expected opening of LRT-1 Cavite Extension Phase 1 in Q4 2024,” abiso pa ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa ng operasyon ng LRT-1.

Matatandaang una nang nagpatupad ang LRT-1 ng weekend closure sa lahat ng mga weekends ng buwan ng Agosto upang bigyang-daan ang mga paghahanda para sa opening ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension.

Ayon sa LRMC, ilan sa major accomplishments nila sa temporary closure ng LRT-1 noong Agosto 16 at 17 at Agosto 24 at 25 ay ang pag-check sa automatic train supervision at interlocking system; pag-upload ng bagong signalling baseline para sa LRT-1 Cavite Extension at testing sa buong extended line communication system.

LRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with