MANILA, Philippines — Natimbog ang isang 28-anyos na lalaking sangkot sa kasong rape na nagtago sa loob ng siyam na taon makaraang matunton ng mga tauhan ng Manila Police District - District Police Intelligence Operation Unit (MPD-DPIOU) sa Dagat-Dagatan, Caloocan City, Biyernes ng hapon.
Sa ulat ni P/Major Kevin Rey Bautista, officer-in-charge ng DPIOU-MPD, ang dinakip ay si alyas “ John Carlo”, bagger sa isang supermarket, ay nadakip alas-3:10 ng hapon ng Agosto 30, 2024 , sa Phase 3, ACCO Homes, Brgy 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Si John Carlo ay kabilang sa Most Wanted Person, District Level.
Nabatid na Hulyo 30, 2015 pa nang magpalabas ng warrant of arrest sa kasong rape si Presiding Judge Maria Paz Reyes-Yson.ng RTC Branch 54 laban sa suspect.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa akusado.