System losses ng Manila Water bumaba sa 15 porsyento
MANILA, Philippines — Bumaba sa 15 percent ang system losses ng East Zone concessionaire Manila Water para sa unang anim na buwan ng 2024.
Ito ayon sa kompanya ay dulot nang mabilis na leak response at methodical monitoring ng kanilang water network.
Sa ngayon, ang East Zone water and wastewater service provider ay nagmamantine ng 5,486.87 kilometro ng water network sa kanilang concession area.
Kasama sa distribution management ng Manila Water ang regular preventive maintenance, pagtatanggal ng mga illegal connections at meter tampering at mabilis na pagre-repair ng mga sirang tubo.
Nitong unang buwan ng 2024, natapos ng kompanya ang pagkukumpuni sa 198 mainline breakages upang maiwasan ang pagkasayang ng suplay ng tubig.
“Having a robust network monitoring system coupled with a competent quick response team and strong community engagement are some of the best tools the company has in combating water loss. We appreciate customers reporting leaks, illegal connections, and meter theft and tampering. These are valuable customer initiatives that help the company keep system losses at manageable levels,”sabi ni Manila Water’s Corporate Communication Affairs Group Director Jeric Sevilla .
- Latest