MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang ban para sa importasyon ng mga domestic at wild birds kasama na ang mga poultry products mula sa California at South Dakota .
Ito ayon sa DA ay makaraang mapatunayan mula sa dalawang lugar sa Estados Unidos na libre na sa avian influenza ang mga ibon at poultry products sa naturang mga bansa noong Hunyo.
Sa ilalim ng memorandum 37 na pinirmahan ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., pinapayagan na ng ahensiya ang importasyon ng wild at domestic birds kasama na ang poultry products tulad ng karne, hatching eggs, day-old chicks at semen na gagamitin sa artificial insemination.
Una nang naipatupad ng DA ang temporary ban nang ang California noong Enero ngayong taon at ang South Dakota noong November noong nagdaang taon ay kumpirmadong may outbreaks ng H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza na kumitil na sa milyong infected birds at poultry doon.