850 PDLs napalaya na ng BuCor

Ang ilan sa mga napalayang PDLs ng BuCor.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 850 persons deprived of liberty ang napalaya na ng Bureau of Corrections (BuCor) na saklaw ng Hulyo 19 hanggang Agosto 30, 2024.

Dahil dito, umabot na sa 15,943 ang kabuuang PDLs ang napalaya sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., sa 850 na pinalaya, 146 ang may acquittal, 487 ang may expiration ng maximum sentence na may good conduct time allowance, 28 para sa expiration din ng maximum sentence actual, 2 sa bail bond, 1 sa cash bond, 1 na-turn over sa jail, 1 release sa recognizance, 166 nabigyan ng parole at 18 ang nabigyan ng probation.

Samantala, iniutos ni Catapang na magkaroon ng rotation ang pagbabantay sa lahat ng operating pri­sons and penal farms (OPPF) upang hindi maging pamilyar sa isa’t isa ang Corrections Officers at PDLs.

Bunsod ito ng kaso ng dalawang Corrections Officer at PDL na sangkot sa magkahiwalay na ilegal na aktibidad na naaresto kamakailan.

Dumalo rin sa culminating activity sa Bucor Social Hall sa Muntinlupa City sina Justice Undersecretary Deo Marco, Justice Assistant Secretaries, Francis John Tejano at Micro Clavano, at Rey Sanglay, OIC-Chief, Technical Support and Services ng National Capital Region-Department of Labor and Employment (DOLE).

Show comments