^

Metro

2 drug suspect, arestado sa P74.8 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 drug suspect, arestado sa P74.8 milyong shabu
Ang mga suspek ay kinilalang sina Jebrasul Amil, 37, ng Zambonga Del Sur at Rodel Nagal Mutia, 45, ng Bacoor, Cavite.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang drug suspect ang arestado matapos mahulihan ng may 11 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P74.8 milyon sa isang buy-bust operation sa Ermita, Manila kama­kalawa ng gabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jebrasul Amil, 37, ng Zambonga Del Sur at Rodel Nagal Mutia, 45, ng Bacoor, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi nang ikasa ng mga tauhan ng Special Ope­rations Unit (SOU)-National Capital Region (NCR), Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang buy-bust operation sa 35th floor ng isang condominium building sa Ermita.

Kaagad umanong inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek nang bentahan ng isang kilo ng shabu na may standard drug price na P6,800,000 ang isang poseur ­buyer.

Bukod sa natu­rang buy-bust item, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang buy-bust money at 10 kilo pa ng hinihinalang shabu na nakalagay sa mga transparent vacuum sealed plastic pack at tinatayang nagkakahalaga ng P68 milyon o kabuuang 11 kilo ng droga na nagkakahalaga ng P74.8 milyon.

Ayon sa pulisya, ang mga naarestong suspek ay mga miyem­bro umano ng isang malaking sindikato na nag-o-operate sa buong bansa.

Ang naturang sindikato ay binubuo ng mga Pinoy, at ang kanilang mga superiors ay mga high-ranking Chinese nationals.

Ang mga suspek ay nakapiit na at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with