^

Metro

Liquid shabu, babaha ngayong Kapaskuhan, election 2025 - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangangambahang bumaha ngayong Kapaskuhan hanggang sa nalalapit na 2025 midterm election ang liquid shabu sa bansa.

Ito ang sinabi ni Phi­lippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) Director PBGen.Eleazar Matta, base na rin sa kanilang natanggap na intelligence report na maraming illegal drugs ang papasok sa bansa.

Ayon kay Matta, isa sa kanilang minomonitor ay ang liquid shabu na mas mura at mas “discreet” ang bentahan kumpara sa tradisyunal na shabu.

Kadalasang sa social media ang gina­gamit na platform ng mga drug syndicate subalit nahaharang pa rin ng kapulisan.

Ayon kay Matta, gagamitin umano ang mga illegal drugs para ibenta at pondohan ang ilang personalidad na tatakbo sa nalalapit na halalan.

Sa ngayon, may listahan na ang PDEG ng mga local chief executives o mga alkalde na sangkot sa iligal na droga subalit kailangan pa ring sumailalim sa beripikasyon.

Aniya, ang pagkakasabat ng malalaking halaga ng ilegal na droga sa mga nakalipas na araw ay posibleng indikasyon na nagsisimula nang operasyon ng mga drug syndicate.

Bukod dito, pinag-iingat din ni Matta ang mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak lalo’t target ng mga sindikato ang mga kabataan.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with