^

Metro

Ilang kabahayan sa Baseco, tinupok ng apoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilang kabahayan sa Baseco, tinupok ng apoy
This photo shows a picture of a fireman trying to extinguish a fire.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan sa Baseco Compound sa Maynila kahapon.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-11:13 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa Block 17 ng Baseco Compound, malapit sa Atienza Elementary School.

Mabilis naman itong kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong 11:51 ng umaga.

Tuluyan naman itong idineklarang fire-out pagsapit ng ala-1:13 ng hapon.

Ayon sa BFP, walang iniulat na nasawi at nasaktan sa nabanggit na sunog.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog at ang pinagmulan nito.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with