^

Metro

DOTr: MRT-7, magpa-partial operation na sa 2025

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda nang mag-partial operation ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) sa susunod na taon.

Ayon kay Transportation Undersecretary Jeremy Regino, ang 12 istasyon ng MRT-7 na matatagpuan sa Que­zon City ay inaasahang makapag-o-operate na sa huling quarter ng 2025.

Kabilang dito ang Quezon North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, at Sacred Heart.

Ang Tala Station naman aniya, na matatagpuan sa Caloocan City, ay inaasahang magiging operational sa taong 2026.

Samantala, kung wala umanong magi­ging problema, ang San Jose Station naman sa San Jose del Monte, Bulacan, ay maaaring maging serviceable na sa taong 2027 o 2028.

Nabatid na ang MRT-7 na may habang 22-kilometro, ay binubuo ng 14 na istasyon.

Sa sandali umanong makapag-full operation na, makatutulong ang MRT-7 upang mabawasan ang oras ng biyahe mula Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte, Bulacan ng hanggang 35 minuto na lamang.

Ang naturang railway system ay inaasahang pakikinabangan ng 300,000 pasahero sa inaugural year ng operasyon nito.

vuukle comment

MRT-7

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with