Driver ng SUV kumaladkad sa traffic enforcer sumuko na
MANILA, Philippines — Patung-patong na reklamo ang ihahain laban sa driver ng SUV na nag-viral sa pagkaladkad sa traffic enforcer para takasan ang nabanggang motorsiklo sa Taguig City kamakailan.
Ayon kay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). (MMDA) Chairman Acting Chairman Don Artes una nang inihain sa 2-pahinang reklamo sa Land Transportation Office (LTO) para sa nararapat na disciplinary sanctions laban sa driver ng SUV na sangkot sa road incident at tinakbuhan ang isang delivery rider na may pasahero, at ang traffic enforcer na si Allan Harry Sadiua, na kamuntik niyang mapatay.
“The driver was escaping responsibility, illustrating that he is undeserving of his driving privilege and as such, should be stripped or suspended thereof until he can show worthiness thereto once again,”aniya pa.
Kahapon ay lumutang ang nasabing driver/suspect na humingi ng “sorry” subalit iginiit ni Artes na hindi palalagpasin ang kaniyang kasalanan at isusulong pa rin ang reklamo.
Natukoy ang suspek nang maplakahan ang pulang SUV na sangkot at natukoy na nakarehistro sa misis ng suspek.
Inihahanda na rin ng MMDA ang criminal charges na attempted homicide at direct assault.
Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa Sales- East Service Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig City dakong alas-8:52 ng umaga.
Nabangga ng SUV ang motorsiklo kaya hinarang ng rider ang kaniyang sasakyan sa harap ng SUV subalit tinakasan siya. Rumesponde ang traffic enforcer at naabutan ang SUV dahil sa traffic sa lugar subalit sa halip na makipag-usap ay binangga-bangga siya nito at sa aktong sasagasaan ay kumapit sa hood.
Nakunan naman ng video ang pangyayari na habang nakasabit sa hood ang enforcer ay pinatakbo pa ng suspect ang sasakyan at tinangka siya ihulog. Nagawang makababa na lamang ng enforcer nang bumagal ang takbo dahil sa trapiko.
- Latest