^

Metro

Animal shipment inspection at monitoring, pinaigting ng BAI sa NCR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Animal shipment inspection at monitoring, pinaigting ng BAI sa NCR
Personnel from the Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal Industry (BAI), and the local government of Quezon City inspect delivery trucks transporting livestock, poultry, and other meat products as they set up an inspection site at Litex, Commonwealth Avenue, and EDSA Balintawak in Quezon City on August 14, 2024
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Higit pang pinaigting ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa pakiki­pagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at local government units ang pagsusuri at pagsu­baybay sa lahat ng animal shipments sa National Capital Region.

Ito ayon sa BAI ay bahagi ng patuloy na kampanya ng tanggapan upang maprotektahan ang kalusugan ng mga hayop at maiwasang lu­maganap ang mga sakit tulad ng African Swine Fever (ASF) tuloy maingatan ang livestock industry sa bansa.

Nitong August 28, 2024 may kabuuang 1,963 shipments ng live animals at meat products ang sumailalim sa inspeksyon at mga checkpoints sa NCR.

Sa naturang bilang, 113 shipments ang pinabalik sa kanilang points of origin dahil sa non-compliance sa animal health regulations habang ang 13 shipments ay sumailalim sa pagsusuri para matiyak na libre sa sakit.

May 10 shipments naman ang na condemned dahil sa ma­tinding health concerns habang may 1,827 shipments ay na­released makaraang pumasa sa kaukulang mga requirements.

Una nang nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga hog traders at transporters na mag comply sa batas at regulasyon upang maiwasan ang paglaganap ng ASF at iba pang uri ng sakit sa mga hayupan sa bansa.

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with