^

Metro

Engine cadet, todas nang maipit sa container van

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang engine cadet nang maipit sa pagitan ng mga container van sa wagon deck area ng isang barko, na nakadaong sa pier sa Tondo, Manila kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Mark Brian Bacani, 23, Engine Cadet at residente ng Woodstock Homes, Alapan 1-A, Imus, Cavite.

Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng trailer truck na si Ronaldo Pandato, 55, ng Sampaguita Subdivision, Camarin, Caloocan City.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) - Homicide Section na dakong alas-6:45 ng umaga, nang maganap ang insidente sa wagon deck area ng M/V Saint Francis Xavier, na nakadaong sa Pier 4, North Harbor, sa Tondo.

Nauna rito, dumaraan lang umano ang biktima sa pagitan ng mga container van, nang aksidente itong maipit ng trailer truck, na noon ay minamaniobra ni Pandato.

Mabilis naman umanong isinugod ang biktima sa Mary Johnston Hospital ngunit nasawi rin.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with