MANILA, Philippines — Wala nang buwis na babayaran si two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo para sa nakuha niyang premyo, awards, mga regalo o donasyon makaraan ang naging mahusay na performance nito sa nagdaang 2024 Paris Olympics.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. dahil sa karangalan na naibigay nito sa bansa ay exempted ito sa pagbabayad ng buwis sa properties at pera na natanggap kaugnay nang nagdaang Olympics.
Nakasaad sa naamiendahang National Internal Revenue Code (NIRC), pinapayagan si Yulo na matanggap ang naturang mga gantimpala at pera nang walang babayarang buwis dito.
“The National Internal Revenue Code exempts Carlos Yulo from paying taxes for the prizes, awards, rewards, gifts, or donations he received. The BIR congratulates our two-time Olympic Gold Medalist for his performance in the 2024 Paris Olympics. You are an inspiration to the men and women of the BIR,”sabi ni Commissioner Lumagui .
Nakasaad sa Section 32(B)(7)(d) ng NIRC, ang lahat ng premyo at awards na naibigay sa mga atleta sa local at international sports tournaments gayundin ng mga competitions na ginawa sa Pilipinas at abroad at napangasiwaan ng kanilang national sports associations ay exempted mula sa income tax.
“ Therefore, all prizes, awards and rewards granted to Yulo by the Paris 2024 Organizing Committee as well as the Philippine Government pursuant to existing laws, such as, but not limited to, Republic Act (RA) No. 10699, or the “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act”, are exempt from income tax. Section 32(B)(3) of the NIRC likewise categorically provides that the value of property acquired by gift, bequest, devise, or descent shall be excluded from gross income of the recipient and, therefore, exempt from income tax” nakasaad sa naamiendahang Tax Code.