^

Metro

79 pang mga wanted, nalambat ng SPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 79 na wanted persons ang nadakip sa isang buong magdamag na ope­rasyon ng pwersa ng Southern Police District (SPD), iniulat kahapon.

Sinabi ni SPD Director P/Brig. General Leon Victor Rosete, kabilang sa mga nadakip ang. dalawang ­babaeng kabilang sa Most Wan­ted Persons na sina alyas “Marites,” 57, na nagtago ng 10 taon sa kasong illegal drugs; isang  alyas “Annie”, 29, na nagtago ng 5 taon sa 2 two counts ng  Batas Pambansa Blg. 22 o Bouncing Checks Law.

Isa ring Most Wan­ted na si alyas “Cri­saldy” na inisyuhan ng Order of Arrest and Recommitment, na nagtago ng 8 taon, matapos labagin ang ipinagkaloob sa kaniya ng Board of Pardon and Parole.

Ang Pasay CPS ay nadakip din ang may 5 taon nang nagtago na si alyas “Roel,” 46, na walang kaukulang piyansa ang kasong Section 6 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ang SPD-District Special Operations Unit (DSOU), District Mobile Force Battalion (DMFB), District Traffic Unit (DTU) at District Anti-Carnapping ay tig-iisa ang naging operasyon.

vuukle comment

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with