Barge sumadsad sa Pasig River

Ang barge na sumadsad sa Pasig River na nagpaantala sa biyahe ng Pasig River Service Ferry boats, dahil sa low tide at ang tambak na water lilies.

MANILA, Philippines — Sumadsad ang isang barge sa Ilog Pasig sa bahagi ng Napindan dahil sa low tide Sabado ng umaga.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mababa ang parte ng ilog lalo na low tide pa nang oras na yon .nang sumadsad ang barge, bukod pa sa punong-puno ng water hyacinth kaya nahirapan makadaan.

Naging sanhi ito para hindi makalabas ang Pasig River Service ferry boats na nasa Pinagbuhatan patungo sa ibang ferry stations.

Dahil dito, sinuspinde ang biyahe ng Ferry Service subalit ilang oras lang ay bumalik na ang operasyon at hindi na umabot sa alas-12:00 ng tanghali, na una nang inanunsyo nang mahila na ang barge.

Show comments