Big-time rollback sa petrolyo, aarangkada sa susunod na linggo

Sa anunsyo ng mga oil companies, magbabawas sila sa presyo ng produktong petrolyo nang may P1.15 hanggang P1.35 kada litro sa presyo ng gasolina, P2.00 hanggang P2.20 per liter ang rollback sa presyo ng diesel at P1.90 hanggang P2.00 kada litro ang bawas-presyo sa kerosene.
STAR / File

MANILA, Philippines — Makaraang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, aasahan naman ang bigtime oil price rollback sa susunod na linggo.

Sa anunsyo ng mga oil companies, magbabawas sila sa presyo ng produktong petrolyo  nang may P1.15  hanggang P1.35 kada litro sa presyo ng gasolina, P2.00 hanggang P2.20 per liter ang rollback sa presyo ng diesel at P1.90  hanggang P2.00 kada litro ang bawas-presyo sa kerosene.

Sinasabing ang bigtime oil price rollback ay dulot nang nagdaang apat na araw na presyuhan ng mga produktong petrolyo sa merkado.

Tuwing Martes ipinatutupad ng mga oil companies ang oil price adjustment.

Show comments