^

Metro

Batas sa pagbili ng mga alagang baboy sa Quezon City, ikinakamada na - Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Batas sa pagbili ng mga alagang baboy sa Quezon City, ikinakamada na - Mayor Joy
Mayor Joy Belmonte.
QC Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Ikinakamada na sa Quezon City go­vernment ang batas  sa pagbili ng lokal na pamahalaan sa mga alagaing baboy ng mga residente dito.

Ayon kay ­Quezon City Mayor Joy ­Belmonte, bagama’t mayroon nang batas na Zero Agri farm sa Quezon City o pagbabawal sa pag-aalaga sa mga livestock products tulad ng manok at baboy ay may ilan pa rin ang natutuklasang mayroon pa ring nag- aalaga ng baboy sa kanilang mga bakuran.

Anya ang pag- aalaga ng baboy ay hindi pinahihintulutan sa isang highly urbanized city tulad ng Quezon City.

“Bibilhin po natin ang mga baboy na makikita natin sa ­ating lungsod. Bawal po ang mag-alaga ng baboy sa  isang highly urbanized City at ang mabibili nating baboy ay ibebenta naman natin sa Department of Agriculture”, sabi ni Mayor Belmonte.

Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte sa gitna na rin ng kampanya ng lokal na pamahalaan na maiwasang makapasok sa QC ang mga baboy na may African Swine Fever (ASF).

Anya may apat na animal checkpoint ang QC sa tulong ng Bureau of Animal Industry sa Commonwealth, Kapri, Ba­lintawak at Tandang Sora upang maiwasang makapasok ang mga baboy na may ASF.

Sa naturang mga checkpoints, mayroon na anyang 188 baboy ang napigil na may ASF at 153 ay isinailalim sa pagsusuri ng BAI para matiyak kung walang sakit.

ZERO AGRI FARM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with