MANILA, Philippines — Umaabot sa P9.6 milyon ang halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) kasabay ang pagkakadakip sa umano’y bigtime na ‘tulak’ kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Ayon kay PNP-DEG Director PBGen.Eleazar Matta, naaresto sa operasyon si alyas “Rich”, 49.
Sa imbestigasyon, ikinasa ng Special Operations Unit NCR at Intelligence and Foreign Liaison Division ng PNP-DEG ang buy-bust operation bandang alas-9 ng umaga sa KM17 Drive and Dine NLEX Southbound Brgy. Canumay West, Valenzuela City.
Una nang nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba laban sa kilos ng suspek hanggang sa itakda ang anti-illegal drug operation.
Nakuha sa suspek ang nasa 80,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Sinabi ni Matta na ang pagkakadakip sa suspek ay indikasyon ng kanilang pinaigting na monitoring at intelligence operation laban sa mga illegal drug syndicate