^

Metro

P9.6 milyong halaga ng marijuana nasabat sa Valenzuela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P9.6 milyon ang halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) kasabay ang pagkakadakip  sa umano’y bigtime na ‘tulak’ kahapon ng  umaga sa  Valenzuela City.

Ayon kay PNP-DEG Director PBGen.­Eleazar Matta, naaresto sa operas­yon si alyas “Rich”, 49.

Sa imbestigasyon, ikinasa ng Special Operations Unit NCR at  Intelligence and Foreign Liaison Division ng PNP-DEG ang buy-bust operation bandang alas-9 ng  umaga  sa KM17 Drive and Dine NLEX Southbound Brgy. Canumay West, Valenzuela City.

Una nang nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba laban sa kilos ng  suspek hanggang sa itakda ang anti-illegal drug operation.

Nakuha sa suspek ang nasa 80,000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Sinabi ni Matta na ang pagkakadakip sa suspek ay indikasyon ng kanilang pinaigting na monitoring at intelligence operation laban sa mga illegal drug syndicate                                                                              

NCR

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with