^

Metro

‘Superbody’ vs disaster response kinontra ni Gibo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinontra ni Defense  Secretary Gilbert Teodoro ang paglikha ng bagong “superbody” upang  tumugon sa mga kalamidad na nangyayari sa bansa.

Ito naman  ang sinabi ni Teodoro sa isinagawang media launch ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction kahapon sa PICC kahapon.

Ayon kay Teodoro, mas mabuting palakasin na lang ang koordinasyon at pagpapalitan ng impormasyon ng mga ahensyang nakatutok sa pagtugon sa mga disaster response.

Paliwanag ni ­Teodoro ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na binubuo ng iba’t ibang ahensya kung saan siya ang Chairman, ang kasaluku­yang gumaganap ng papel ng isang “superbody” sa pagtugon sa sakuna.

Magiging redundant lamang ang pagbubuo ng “superbody” sa iba  pang  mga komite o grupo.

Napatunayan namang epektibo ang ganitong sistema dahil natututukan ng iba’t ibang ahensyang kabilang sa NDRRMC ang kanilang partikular na papel sa ginawang pagresponde sa sakuna.

Dagdag pa ni Teodoro na ang paglikha ng bagong “superbody” ay matagal na proseso, at mangangailangan ng pondo na kukunin din mula sa pondo ng mga ahensya na bihasa na sa kanilang trabaho pagdating sa disaster response.

GILBERT TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with