Fogging ng Caloocan LGU vs dengue patuloy

Kabilang dito ang fogging operations sa iba’t ibang barangay sa Caloocan.
Stock / Pixabay

MANILA, Philippines — Dahil sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa, pinalawak pa ng Caloocan LGU ang hakbang nito para maiwasan ang sakit sa lungsod.

Kabilang dito ang fogging operations sa iba’t ibang barangay sa Caloocan.

Nabatid na buong linggong nagsasagawa ngayon ang LGU ng fogging operations kung saan ang target ngayong araw ay ang mga Barangay 176, 172, at 178.

Nanawagan ang pamahalaang lungsod ng pakikiisa sa mga residente sa gagawing fogging operations.

Paalala nito, maglinis ng kapaligiran upang mas maging epektibo ang fogging, itapon na ang mga nakaimbak na tubig at sirain ang mga lugar na maaaring pamahayan ng mga lamok, takpan o itago ang mga pagkain at kasangkapang gina­gamit sa pagkain upang maiwasan ang kontaminasyon at lumabas ng bahay habang isinasagawa ang fogging.

Show comments